Sabi nila and pag-ibig ay maganda
Dulot nito'y tuwa't saya sa nangungulila
Parang isang bukal sa tigang na lupa
Isang bahaghari kapag ulan ay tumila.
Sabi naman ng iba pag-ibig ay sumpa
Malaking kasinungalingan, lulan ay masama
Sa paglipas ng panahon lalong lumalala
Daig pa ang bagyo kung puminsala'y walang sawa.
Ang pag-ibig nga naman kay lalim ng kahulugan
Kaya sa karamihan ito ay kababalaghan
Ngunit sa iba nama'y bagay na karikitan
Kaya iyong damhin ng maintindihan ng lubusan.
No comments:
Post a Comment